Monday, September 05, 2005

Huling senti (sana)

East West
Julia Fordham

It's been a whole year since your call
The one that started
I don't love you anymore
I thought I'd surely not survive
But here I am, I'm still alive, 365 days later
Going strong, holding on
trying to find a place where I belong
I've been east, I've been west
but I'm still not over you yet
I'm still not over you yet, no no
The weeks and months blend into one
A bleary haze, fall, winter
now spring has begun
Bringing fresh hope to my door
I'll be the girl I was before you took back
the precious gift you gave to me
Going strong, holding on
trying to find a place where I belong
I've been east, I've been west
but I'm still not over you yet
I'm still not over you yet, no no
And after all is said and done
and written up (written in the stars above)
The radio's singing songs of love
but not for us
Not for us
Going strong, holding on
trying to find a place where I belong
I've been east, I've been west
but I'm still not over you yet
I'm still not over you yet, no no
East west, east west, 365
here I am, I'm still alive

~~~

Eksaktong isang taon na simula ng ako’y iyong iwan. Nung simula, madaming tanong ang ating mga kakilala – mga kaibigan at kamag-anak – kung bakit daw tayo nagbreak? Sinsasabi ko dati, kasi may iba ka ng mahal, na may nililigawan ka nang bago. Yung office mate mo dun sa dati mong pinagtatrabahuhan. Galit ako sa inyong dalwa noon kasi alam ko na alam ninyo kung gaano kasakit ang iwan at lokohin (oo, lokohin at pagsinungalingan) ng taong mahal na mahal ninyo. Pero ginawa ninyo pa rin sa akin yon. Feeling ko ang sasma sama ninyong tao. Pero mahal pa rin kita noon. Galit man ako sa iyo, pakiramdam ko hinding hindi kita matitiis noon.

Habang lumilipas ang panahon, nalaman ko na hindi rin pala kayo nagkatuluyan. Humanga ako dun sa babae. Kahit papaano may delikadeza din naman pala siya. Naisip ko siguro kung sa ibang panahon at pagkakataon kami nagtagpo, maaring naging malapit kaming magkaibigan. Ngunit dahil nga sa maling panahon at pagkakataon, alam ko na kailan man ay hindi ay hindi mangyayari iyon.

Ilang beses akong nakiusap na mahalin mo ulit ako. Ilang beses ko ring dinusta ang pride ko para sa iyo dahil mahal na mahal kita. Pero ganun yata talaga pag hindi mo mahal ang isang tao, kahit pa gaanong pilit ang gawin mo, kapag wala nang natitirang damdamin wala na talaga. Sabi nga dun sa kanta ng APO, “tuyo na ang damdamin”.

Minsan nalulungkot pa rin ako, naluluha (hindi lang siguro minsan yun). Naiisip kita palagi - bago matulog, pagkagising, pag masaya ako, at lalong lalo na kapag malungkot. Pero unti unti ko na rin pinupulot ang pride ko, pakonti-konti hanggang sa mabuo. Kung kelan mabubuo, ndi ko pa alam.

Sabi ng iba kong kaibigan, hayaan mo magkakaroon ka rin ng closure. Sagot ko, san ba yun nabibili? Kahit siguro magkano, pipilitin kong makabili. Pero sa kasamaang palad walang makasagot kung saan yun nabibili.

Isang taon na ang nakakalipas. Isang taon ko na ring pinipilit ang puso kong maging bato. Pinagdadasal ko minsan na sana tubuan na ng makakapal na kalyo ang puso ko para ndi na masyado masaktan. Pero dahil sa likas ding matigas ang kanyang ulo, walang nangyayari, kaya yun, patuloy pa rin siyang dumudugo. Hindi ko nga alam kung ilang galong dugo na ang nawala, hindi ko na nabilang. Alam ko lang madami na. Isang taon na ang nakakalipas pero marami pa rin akong kinatatakutan. Isang taon na pero parang nung isang lingo lamang ng ako’y iyong iwan. Marami pa rin akong tanong. Sabihan ko man ng utak ko ang aking puso na huwag nang umasa at maghintay, walang nangyayari. Minsan nakikinig, mas malimit ang hindi.

Ngayon, pag tinatanong nila ako, kung bakit tayo nag break, hindi ko na sila masagot ng maayos. Iba-iba na sagot ko. Minsan naiintindihan nila, minsan hindi. Pag hindi nila naiintindihan, ndi ko na kinukwento pa. Bihira lang ang nakakaintindi sa mga sagot ko. Dahil iilan lang sa mga kakilala ko ang naniniwala na loving is a choice you have to make everyday, every single day of your life.

Naiisip pa rin kita hindi lang minsan kundi lagi-lagi… at kung hihimay-himayin pa rin ang laman ng puso ko, palagay ko ay ikaw pa rin ang nasa bawat hibla nito. Hanggang sa muli. Sana sa susunod kong sulat sa iyo, kung hindi man ako buo sana ay puro kalyo na at ganap nang bato.

~~~

I'll Be OK
Amanda Marshall

It's time to let you go; it's time to say Goodbye
No more excuses; no more tears to cry
There's been so many changes; I was so confused
All along you were the one; all the time I never knew.
I want you to be happy; you're my best friend
But its so hard to let you go now; all that could have been
I'll always have the memories; she'll always have you
Fate has a way of changing; just when you don't want it to
Throw away the chains; Let love find a way
Till love comes again, I'll be OK!

Life passes so quickly, you've got to take the time
Or you'll miss what really matters, you'll miss all the signs
I've spent my life searching, for what was always there,
Sometimes it will be too late, sometimes it won't be fair.
Throw away the chains, Let love fly away
Till love comes again, I'll be OK!

I won't give up... I won't give in...
I can't re-create what just might have been,
I know that my heart will find love again
Now is the time to return....
Throw away the chains, Let love find a way
Till love comes again, I'll be OK!
Can't go on forever, baby; I can't go on forever, baby...
Can't go on forever, baby... yeah...
I'll be OK

1 comment:

Anonymous said...

ei sis! Sana isama mo na dito yung "the art of letting go." =)

Nakaka-relate naman ako sa iyo. Pero alam mo, lilipas din yan. Makakalimutan din siya. =). Make yourself busy, and divert your energies into worthwhile activities. Wag mo hayaang magkaroon ka ng idle moments para maisip mo siya. =)