Friday, January 20, 2012

Pag-ibig ang Naghahari

Bukas Palad
from the album Maging Akin Muli


Panginoon, turuan Niyo po akong mabuhay sa araw-araw
Na hindi sarili lang ang ipinangingibabaw
Ito ang aking taos-pusong panalangin
At lubos na umaasang Inyong diringgin

Hayaan ang mga mata'y mamulat sa katotohanan
Ang pananagutan ay hindi malilimutan
Upang mabuhay na mag-uli at maluwalhati
At pag-ibig ang siyang tanging naghahari

Tulungan Niyo po ako sa lahat ng gawain
Upang maging matapat at maunawain
At malaman na ang pagsunod sa utos Niyo
Ay ang pagtulong sa aking kapwa-tao


Hayaan ang mga mata'y mamulat sa katotohanan
Ang pananagutan ay hindi malilimutan
Upang mabuhay na mag-uli at maluwalhati
At pag-ibig ang siyang tanging naghahari

Kapag ang aking gawain sa lupa ay tapos na
At ang bagong tungkulin sa langit ay nagsisimula pa
Nawa'y makaligtaan ang koronang nakamtan
Habang iniisip pa rin ang alay sa sangkatauhan

Hayaan ang mga mata'y mamulat sa katotohanan
Ang pananagutan ay hindi malilimutan
Upang mabuhay na mag-uli at maluwalhati
At pag-ibig ang siyang tanging naghahari

No comments: