Ruth Elynia S. Mabanglo, 1988
Kung ibig mo akong makilala,
lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
ang titig kong dagat—
yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
ng kahapon ko’t bukas.
Kung ibig mo akong makilala
sunduin mo ako sa himlayang dilim
at sa madlang pagsukol ng inunang hilahil,
ibangon ako at saka palayain.
Isang pag-ibig na lipos ng lingap,
tahanang malaya sa pangamba at sumbat
may suhay ng tuwa’t ang kaluwalhatia’y
walang takda—
ialay mo lahat ito sa akin
kung mahal mo ako’t ibig kilalanin.
Kung ibig mo akong kilalanin,
sisirin mo ako hanggang buto,
liparin mo ako hanggang utak,
umilanlang ka hanggang kaluluwa—
hubad ako roon: mula ulo hanggang paa.
No comments:
Post a Comment